Happy, Sugo, Hi-ho, Dragon seeds, Lumpia, Boy bawang, Kiss, Ding dong at Vinegar pusit ay mga halimbawa lamang nito.
Patok ito dahil sa bukod na mura (piso lamang ang halaga) marami ka pang pagpipilian. May iba't iba itong "flavor" kadalasan upang sumakto sa mga kakain. Mayroon ding mga flavor ng ulam na nilalagay sa mga ganitong chichirya tulad ng sa Mang Inasal, Crispy Tilapia, Sizzling bangus at Lechon Manok. Tinatawag ang mga itong ulam crackers.
Hilig ito ng mga kabataan. Marami ring mga Pilipino ang mahilig sa mani.
Ang mga ganitong pagkain ay pwede ding dalin kahit saan. Pang picnic, midnight snack, at pwede sa mga magbabarkada o pamilya.
Marami pa ang mga chichiryang ganito na ating makikita. Marami pa ang gagawa ng mga ganitong produkto. Masarap at mura ngunit dapat nating tandaan na ang lahat ng sobra ay masama. Hindi dapat na lagi natin itong kinakain. Marami ang mga sangkap nito na hindi natin alam. Hindi din ito masustantya kung kaya't dapat na limitahan parin ang pagkain nito.
http://aboutfilipinofood.com/filipino-snacks/chichirya/